Wednesday, August 17, 2011

SA NGALAN NG INA


Sa story conference na gagawing mini-series ni Nora Aunor sa TV5 na may pamagat na Sa ngalan ng Ina, sinabi ng main director nito na si Mario O'Hara (second unit dirctor si Jon Red) na mistulang reunion na classic movie niyang Tatlong Taong Walang Diyos ang muling pagsasama ng Superstar at ang dalawa nitong leading men sa pelikula - sina Christopher De Leon at Bembol Roco.

Ang Tatlong Taong Walang Diyos ay ang 1976 movie ni O'Hara, kunsaan nagwagi ng dalawang Best Actress awards si Nora (FAMAS at Gawad Urian nung 1977.)

Itunuturing ding isang classic movie ang Tatlong Taong Walng Diyos ng mga kritiko dahil sa maayos na pagkakalahad ng istorya nito, magandang cinematography, wastong mga detalye tungkol sa Japanese Occupation ng Pilipinas, at makinis na direksiyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 58-yer-old Superstar kaninang hapon, August 16, sa Max's Roces kunsaan ginawa ang storycon, sinabi nitong masayang-masaya siya sa muling pagsasama nila ng mga co-star niya sa classic O'Hara wartime drama.

'Talagang masayang-masayang-masaya." sambit ni Nora.

"Masayang-masaya ako sa lahat-lahat."  "Tsaka siyempre ngayon lang uli kami magkakasama ni Boyet [Christopher], taos kasama ko pa si Mario, si Bembol, at tapos makakasama ko pa si Osang [Rosanna Roces]." 

Pero nakadagdag pa sa kasiyahan ni Nora ang pagkakasama rin sa cast ng Sa Ngalan ng Ina ng anak nila ni Boyet na si Ian de Leon.
Nora Aunor, Ian de Leon
and Christopher de leon
"Kasi si Ian noon, nung ginagawa namin yung Tatlong Taong Walang Diyos, baby pa talaga 'yan."

"Ngayon, tingnan mo naman, mas matangkad pa sa daddy niya."

Mistula ngang family affair na rin ang proyekto niyang ito sa Kapatid network dahil nandun nga silang tatlo - sina Nora, Boyet at Ian.

"Noon, baby lang si Ian,  Ngayon katrabaho na namin ni Boyet!"  natatawang sabi pa ni Ate Guy. 

------------------------------------------------------

ni ROMMEL R. LLANES
Philippine Ebtertainment Portal
Tuesday, August 16, 2011

Source:
Nora Aunor reunites with ex-husband Christopher de Leon and son Ian de Leon in TV5 mini-series | PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz

No comments:

Post a Comment